Friday, May 12, 2017

"Ginisang Mais"

"Ginisang Mais"

Ingredients:

6 pcs - Mais na puti
1 tali - Dahon ng Malunggay
2 pcs - bawang
1 pc. Sibuyas
Pamintang buo
Cooking oil
Tubig at Hugas Bigas

Procedure:

1. ilagay ang bawang sa mainit na mantika, kapag brownish na ang bawang ay isusunod na po natin ang sibuyas.
2. kapag malambot na ang sibuyas ay pwede na po nating ilagay ang Hugas-Bigas at konting tubig at hayaang kumulo. kapag kumulo na ay maaari na nating ilagay ang ginadgad na mais at halu-haluin.
3. kapag medyo paluto na ang mais, isusunod na po natin ang pamintang buo na dinurog, konting asin, vetsin at bahagyang haluin. tikman at tantyahin ang lasa.
4. kapag okey na ang lasa ay maaari na nting Ilagay ang dahon ng malunggay, haluin, at takluban.
5. kapag luto na po ng dahon ay pwede na po nating alisin ang apoy.






No comments:

Post a Comment

"Ginataang Alimasag"

Ingredients: - 1/2 kg. Alimasag - 1/4 kg. kalabasa - 1 bowl gata (unang  gata) - 1 bowl gata (pangalawang gata) - 1 tali sitaw - 1 pc...