Friday, July 28, 2017

"Adobong Baboy"

Ingredients:

- 1/2 kg. pork
- 2 pcs red onion
- 3 cloves of garlic
- 200 ml. datu puti soy sauce
- 200 ml. datu puti vinegar
- cooking oil
- ground black pepper
- water
- vetsin (msg.)

Procedure:

1. hiwain ang karne into serving size and then hugasan mabuti.
2. iprito ang karne (pa-half cooked), pagkatapos maprito ay ilagay muna ito sa isang lalagyan.
3. mag-gisa ang bawang, kapag golden brown na ito ay maaari na nating ilagay ang sibuyas at kapag malambot na ang sibuyas ay maaari na nating
4. ilagay ang karne at halu-haluin ng ilang minuto at pagkatapos ay pwede na nating ilagay ang toyo, suka, dinurog na paminta, vetsin at konting tubig.
5. tikman para makuha ang tamang lasa at tantyahin sa mga condiments kung saan ka magdadagdag at kapag ok na ang lasa maaari na natin itong takluban.
6. kapag nanuot na ang sabaw sa karne ay maaari na natin itong hanguin.

note: sa halip na iprito ang karne ay pwede rin po ang ilaga muna ito ng pa-half cooked bago igisa.







No comments:

Post a Comment

"Ginataang Alimasag"

Ingredients: - 1/2 kg. Alimasag - 1/4 kg. kalabasa - 1 bowl gata (unang  gata) - 1 bowl gata (pangalawang gata) - 1 tali sitaw - 1 pc...