Sunday, August 6, 2017

"Ginataang Alimasag"

Ingredients:

- 1/2 kg. Alimasag
- 1/4 kg. kalabasa
- 1 bowl gata (unang  gata)
- 1 bowl gata (pangalawang gata)
- 1 tali sitaw
- 1 pc. red onion
- 4 pcs. talong
- 3 pcs. siling berde
- 2 cloves of garlic
- ground black pepper
- vetsin (msg.)
- salt

Procedure:

1. ilagay ang gata (pangalawang gata), alimasag, sibuyas at pinitpit na bawang sa kawali. pakuluan at hayaang maluto ang alimasag.
2. kapag luto na ang alimasag ay maaari na nating ilagay ang kalabasa.
3. kapag luto na ang kalabasa ay maaari na nating ilagay ang sitaw at talong.
4. kapag luto na ang sitaw at talong ay maaari na nating ilagay ang gata (unang gata) para lumapot ang sabaw nito, siling berde, dinurog na paminta, asin at vetsin.
5. kapag malapot na ang sabaw at okey na ang lasa nito ay maaari na nating patayin ang apoy at hanguin.





Thursday, August 3, 2017

"Nilagang Tahong sa Sprite"

Ingredients:

- 2 kg. Tahong
- 1.75 liter Sprite
- 1 pc. White Onion
- Cooking Oil (optional)

Procedure:

1. ilagay ang sprite, sibuyas at tahong sa isang kawali. pakuluan, takluban para madaling kumulo.
2. kapag luto na ang tahong at medyo naiiga na ang sabaw ay maaari na itong hanguin. dapat may konti po itong sabaw, hindi igang-iga.

note: pagkatapos maiga nang konti ang sabaw ay pwede po nating lagyan ng konting mantika para hindi kumapit pero optional po yan.. pwedeng hindi lagyan yan, depende na po sa nagluluto.

- sa kaso ko, ndi ko na nilagyan ng mantika kasi naparami ang lagay ko ng sabaw kaya hindi masyado naiga.







"Ginataang Alimasag"

Ingredients: - 1/2 kg. Alimasag - 1/4 kg. kalabasa - 1 bowl gata (unang  gata) - 1 bowl gata (pangalawang gata) - 1 tali sitaw - 1 pc...