Friday, July 28, 2017

"Adobong Baboy"

Ingredients:

- 1/2 kg. pork
- 2 pcs red onion
- 3 cloves of garlic
- 200 ml. datu puti soy sauce
- 200 ml. datu puti vinegar
- cooking oil
- ground black pepper
- water
- vetsin (msg.)

Procedure:

1. hiwain ang karne into serving size and then hugasan mabuti.
2. iprito ang karne (pa-half cooked), pagkatapos maprito ay ilagay muna ito sa isang lalagyan.
3. mag-gisa ang bawang, kapag golden brown na ito ay maaari na nating ilagay ang sibuyas at kapag malambot na ang sibuyas ay maaari na nating
4. ilagay ang karne at halu-haluin ng ilang minuto at pagkatapos ay pwede na nating ilagay ang toyo, suka, dinurog na paminta, vetsin at konting tubig.
5. tikman para makuha ang tamang lasa at tantyahin sa mga condiments kung saan ka magdadagdag at kapag ok na ang lasa maaari na natin itong takluban.
6. kapag nanuot na ang sabaw sa karne ay maaari na natin itong hanguin.

note: sa halip na iprito ang karne ay pwede rin po ang ilaga muna ito ng pa-half cooked bago igisa.







Tuesday, July 11, 2017

"Chopseuy"

Ingredients:

- 1/2 kg. pork
- 2 pcs cauliflower
- carrot
- red & green bell pepper
- cabbage
- 10 pcs. boiled quail eggs
- white onion
- 2 cloves of garlic
- 1/4 kg. shrimp
- 2 pcs. shrimp cube
- oyster sauce
- water
- salt
- ground black pepper
- corn starch
- cooking oil

Procedure:

1. igisa ang bawang at sibuyas, ilagay ang karne at halu-haluin. kapag light brown na ang kulay ng karne ay maaari nang ilagay ang oyster sauce at haluin.
2. ilagay ang shrimp cube, haluin, lagyan ng tubig pagkatapos ay takluban ang kawali, hayaang kumulo para lumambot ang karne.
3. pag malambot na ang karne ay maaari nang ilagay ang cauliflower at carrot, haluin. kapag medyo paluto na ang cauliflower at carrot ay maaari na nating ilagay ang
    red and green bell pepper at cabbage, haluin.
4. ilagay ang salt at ground black pepper at muling haluin.
5. ilagay ang corn starch sa isang bowl na may konting tubig, haluin, pagkatapos ay ilagay ito sa kawali at haluin. ito po ay para lumapot ang sabaw.
6. ilagay ang boiled quail eggs at shrimp, haluin at pagkalipas ng mga ilang minuto ay maaari na po itong hanguin.






"Ginataang Alimasag"

Ingredients: - 1/2 kg. Alimasag - 1/4 kg. kalabasa - 1 bowl gata (unang  gata) - 1 bowl gata (pangalawang gata) - 1 tali sitaw - 1 pc...