Friday, May 26, 2017

"Adobong Pusit"

Ingredients:

3/4 kg. Pusit
200 ml. Datu Puti Vinegar
200 ml. Datu Puti Soy Sauce
2 pcs onion red
2 clove of garlic
2 pack of  grinded Black Pepper
water
sotanghon
cooking oil
msg (vetsin)

procedure:

1. tanggalin po ang ngipin ng pusit, ung sa akin po eh hinati ko pa sa tatlo kasi masyado pong malaki, hugasang mabuti.
kung maliit lang po ang nabili nyong pusit ay kahit hindi nyo na po ito hatiin.
2. igisa ang bawang at sibuyas sa kumukulong mantika, pag lumabas na po ang katas nito at medyo naluto na po yung sibuyas
ay maaari na po nating ilagay (isangkutsa) ang Pusit, halu-haluin at takluban at hintaying lumambot ang pusit.
3. pag malabot na ang pusit ay maaari na po nating ilagay ang suka, toyo, dinurog na paminta at vetsin, haluin at muling takluban.
4. tikman upang makuha po natin ang lasang gusto nating lumabas halimbawa: pag maasim, dagdagan lang ng konting toyo.. no need na po ang asin.
   kung kulang sa asim.. lagyan ng suka at kung masyadong maalat ay lagyan po natin ng konting tubig. tantyahan nalang po pagdating sa lasa.
5. kapag okey na po ang lasa ay maaari na po nating ilagay ang sotanghon at pag naluto na po ang sotanghon ay okey na po ito.








No comments:

Post a Comment

"Ginataang Alimasag"

Ingredients: - 1/2 kg. Alimasag - 1/4 kg. kalabasa - 1 bowl gata (unang  gata) - 1 bowl gata (pangalawang gata) - 1 tali sitaw - 1 pc...