1/2 kg. cow meat
3 pcs patatas
1/2 repolyo
2 pcs red onion
2 pack grinded black pepper
msg (vetsin)
asin
water
procedure
1. hugasan at hatiin ang karneng baka into serving size, tpos ilagay ang tubig at karne sa kaserola at pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne.
2. pag malambot na ang karne ay pwede ng ilagay ang patatas, sibuyas, asin, vetsin at dinurog na paminta. haluin at hintaying kumulo ng kaunte at
3. tikman para mahuli ang perpektong lasa ng nilaga, tantyahin nlang natin sa mga condements kung saan tayo magdadagdag.
4. kapag ok na ang lasa at luto na ang patatas, ay pwede na nating ilagay ang repolyo. at pag medyo luto na po ang repolyo ay pwde na po nating patayin ang apoy at ok na po ito.
note:
- sa halip na patatas ay pwede rin po ang saging na saba.
- sa halip na repolyo ay pwede rin po ang pechay.
- sa karne naman ay pwede rin po ang karneng baboy.
- pag natalupan at nahati nyo na po ang patatas ay ibabad nyo po muna ito sa tubig para hindi po ito mangitim.
- at sa unang kulo at may nakita po tayong brownish na bula sa ibabaw ay tanggalin nalang po natin ito..
- pwede rin po kayong magdagdag ng mais.
No comments:
Post a Comment