Saturday, June 10, 2017

"Sinigang na Sugpo"

Ingredients:

1/2 kl. Sugpo
1 tali Kangkong
2 pcs Labanos
1 pc Knorr Sinigang sa Sampalok Mix Original 20 g.
3 pcs Siling Berde
1 bowl Hugas-Bigas
konting tubig

Procedure:

1. alisin ang bituka ng sugpo sa pamamagitan ng pagtusok ng toothpick sa may bandang likod nito at hilain nang marahan palabas para maalis po ang bituka nito. pagkatapos ay hugasan.
2. ilagay sa kaserola ang Hugas-Bigas, konting tubig at Sugpo at pakuluan ito. sa unang kulo ay may makikita po tayong Foamy na brownish na bula at mangyari po lamang na alisin po natin ito.
3. kapag medyo luto na po ang sugpo ay maaari na po nating ilagay ang labanos, siling berde at knorr sinigang mix. haluin at takluban.
4. tikman at kapag okey na ang lasa nito at luto na ang labanos ay
5. maaari na po nating ilagay ang kangkong leaves and stems.
6. kapag luto na po ang kangkong ay maaari na po nating patayin ang apoy at okey na po ito.












No comments:

Post a Comment

"Ginataang Alimasag"

Ingredients: - 1/2 kg. Alimasag - 1/4 kg. kalabasa - 1 bowl gata (unang  gata) - 1 bowl gata (pangalawang gata) - 1 tali sitaw - 1 pc...