Sunday, August 6, 2017

"Ginataang Alimasag"

Ingredients:

- 1/2 kg. Alimasag
- 1/4 kg. kalabasa
- 1 bowl gata (unang  gata)
- 1 bowl gata (pangalawang gata)
- 1 tali sitaw
- 1 pc. red onion
- 4 pcs. talong
- 3 pcs. siling berde
- 2 cloves of garlic
- ground black pepper
- vetsin (msg.)
- salt

Procedure:

1. ilagay ang gata (pangalawang gata), alimasag, sibuyas at pinitpit na bawang sa kawali. pakuluan at hayaang maluto ang alimasag.
2. kapag luto na ang alimasag ay maaari na nating ilagay ang kalabasa.
3. kapag luto na ang kalabasa ay maaari na nating ilagay ang sitaw at talong.
4. kapag luto na ang sitaw at talong ay maaari na nating ilagay ang gata (unang gata) para lumapot ang sabaw nito, siling berde, dinurog na paminta, asin at vetsin.
5. kapag malapot na ang sabaw at okey na ang lasa nito ay maaari na nating patayin ang apoy at hanguin.





Thursday, August 3, 2017

"Nilagang Tahong sa Sprite"

Ingredients:

- 2 kg. Tahong
- 1.75 liter Sprite
- 1 pc. White Onion
- Cooking Oil (optional)

Procedure:

1. ilagay ang sprite, sibuyas at tahong sa isang kawali. pakuluan, takluban para madaling kumulo.
2. kapag luto na ang tahong at medyo naiiga na ang sabaw ay maaari na itong hanguin. dapat may konti po itong sabaw, hindi igang-iga.

note: pagkatapos maiga nang konti ang sabaw ay pwede po nating lagyan ng konting mantika para hindi kumapit pero optional po yan.. pwedeng hindi lagyan yan, depende na po sa nagluluto.

- sa kaso ko, ndi ko na nilagyan ng mantika kasi naparami ang lagay ko ng sabaw kaya hindi masyado naiga.







Friday, July 28, 2017

"Adobong Baboy"

Ingredients:

- 1/2 kg. pork
- 2 pcs red onion
- 3 cloves of garlic
- 200 ml. datu puti soy sauce
- 200 ml. datu puti vinegar
- cooking oil
- ground black pepper
- water
- vetsin (msg.)

Procedure:

1. hiwain ang karne into serving size and then hugasan mabuti.
2. iprito ang karne (pa-half cooked), pagkatapos maprito ay ilagay muna ito sa isang lalagyan.
3. mag-gisa ang bawang, kapag golden brown na ito ay maaari na nating ilagay ang sibuyas at kapag malambot na ang sibuyas ay maaari na nating
4. ilagay ang karne at halu-haluin ng ilang minuto at pagkatapos ay pwede na nating ilagay ang toyo, suka, dinurog na paminta, vetsin at konting tubig.
5. tikman para makuha ang tamang lasa at tantyahin sa mga condiments kung saan ka magdadagdag at kapag ok na ang lasa maaari na natin itong takluban.
6. kapag nanuot na ang sabaw sa karne ay maaari na natin itong hanguin.

note: sa halip na iprito ang karne ay pwede rin po ang ilaga muna ito ng pa-half cooked bago igisa.







Tuesday, July 11, 2017

"Chopseuy"

Ingredients:

- 1/2 kg. pork
- 2 pcs cauliflower
- carrot
- red & green bell pepper
- cabbage
- 10 pcs. boiled quail eggs
- white onion
- 2 cloves of garlic
- 1/4 kg. shrimp
- 2 pcs. shrimp cube
- oyster sauce
- water
- salt
- ground black pepper
- corn starch
- cooking oil

Procedure:

1. igisa ang bawang at sibuyas, ilagay ang karne at halu-haluin. kapag light brown na ang kulay ng karne ay maaari nang ilagay ang oyster sauce at haluin.
2. ilagay ang shrimp cube, haluin, lagyan ng tubig pagkatapos ay takluban ang kawali, hayaang kumulo para lumambot ang karne.
3. pag malambot na ang karne ay maaari nang ilagay ang cauliflower at carrot, haluin. kapag medyo paluto na ang cauliflower at carrot ay maaari na nating ilagay ang
    red and green bell pepper at cabbage, haluin.
4. ilagay ang salt at ground black pepper at muling haluin.
5. ilagay ang corn starch sa isang bowl na may konting tubig, haluin, pagkatapos ay ilagay ito sa kawali at haluin. ito po ay para lumapot ang sabaw.
6. ilagay ang boiled quail eggs at shrimp, haluin at pagkalipas ng mga ilang minuto ay maaari na po itong hanguin.






Friday, June 30, 2017

"Escabecheng Gulyasan na may Itlog"

Ingredients:

1 kg. Isda (Gulyasan)
1 pc. Sibuyas
2 cloves of Garlic
11 pcs. Red Tomatoe
1 pc. Ginger
3 pcs. Egg
Vetsin (Msg.)
Salt
Water
Soy Sauce
Vinegar
Sugar
Cooking oil

Procedure:

1. Linisin ang isda sa pamamagitan ng pagtanggal ng bituka  at hasang nito, pagkatapos ay hugasan.
2. Hatiin ang isda into serving size at muling hugasan, pagkatapos ay i-prito.
3. pagkatapos ma-prito ang isda ay maaari na nating igisa ang luya,
pag medyo luto na ang luya ay maaari na nating isunod ang bawang at kapag golden brown na ang bawang ay maaari na nating isunod ang sibuyas.
kapag luto na ang sibuyas ay isusunod na natin ang kamatis. kapag luto na ang kamatis ay pwede nating lagyan ng tubig para sa sabaw.
4. habang pinakukuluan ay titimplahan na po natin ang sabaw para makuha ang lasa ng escabeche (dapat makuha po natin ang lasang nagtatalo ang anghang, asim, tamis at alat) ilalagay na po natin ang mga condements like: soy sauce, vinegar,
vetsin, salt and sugar. tantyahan na lamang po para makuha ang lasa.
5. kapag okey na ang lasa ay maaari na nating ilagay ang itlog at haluin. makalipas ang 2-3 mins. ay pwede na nating
6. ilagay ang pritong isda at pagkalipas ng mga 5-10 mins. ay maaari na po natin itong hanguin.











Saturday, June 10, 2017

"Sinigang na Sugpo"

Ingredients:

1/2 kl. Sugpo
1 tali Kangkong
2 pcs Labanos
1 pc Knorr Sinigang sa Sampalok Mix Original 20 g.
3 pcs Siling Berde
1 bowl Hugas-Bigas
konting tubig

Procedure:

1. alisin ang bituka ng sugpo sa pamamagitan ng pagtusok ng toothpick sa may bandang likod nito at hilain nang marahan palabas para maalis po ang bituka nito. pagkatapos ay hugasan.
2. ilagay sa kaserola ang Hugas-Bigas, konting tubig at Sugpo at pakuluan ito. sa unang kulo ay may makikita po tayong Foamy na brownish na bula at mangyari po lamang na alisin po natin ito.
3. kapag medyo luto na po ang sugpo ay maaari na po nating ilagay ang labanos, siling berde at knorr sinigang mix. haluin at takluban.
4. tikman at kapag okey na ang lasa nito at luto na ang labanos ay
5. maaari na po nating ilagay ang kangkong leaves and stems.
6. kapag luto na po ang kangkong ay maaari na po nating patayin ang apoy at okey na po ito.












Friday, June 2, 2017

"Ginisang Kalabasa"

Ingredients:

1 pack sliced mix  kabasa with sitaw, okra and ampalaya.
1 bowl hugas bigas
magic sarap
soy sauce
2 pack whole black pepper
1 pc onion red
3 cloves of garlic
cooking oil

Procedure:

1. igisa ang bawang at sibuyas.
2. kapag kumatas na at medyo luto na ng sibuyas, pwede na nating ilagay ang mga gulay, tuloy-tuloy na haluin with in 2 minutes para kumapit ang katas ng bawang at sibuyas .
3. ilagay ang hugas bigas at takluban.
4. pag malambot or medyo luto na ang gulay ay maaari  na nating ilagay ang konting  toyo, dinurog na paminta at konting magic sarap, haluin at hintaying bahagyang kumulo at tikman upang makuha mo lasang iyong hinahanap (tantyahin nalang natin kung saan tayo magdadagdag pagdating sa mga condiments).
5. pag ok na ang lasa ay maaari na po nating patayin ang apoy at ok na po ito.

note:

- pwede po tayong magdagdag ng maliliit na piraso ng karne para mas malasa (isama nyo nalang po ito habang ginigisa ang bawang at sibuyas).







"Ginataang Alimasag"

Ingredients: - 1/2 kg. Alimasag - 1/4 kg. kalabasa - 1 bowl gata (unang  gata) - 1 bowl gata (pangalawang gata) - 1 tali sitaw - 1 pc...